Binigyan ng Department of Agriculture ng 3-year meat exporters’ accreditation ang ilang kompanya sa Brazil, Germany, Hungary, at Poland.
Ayon sa DA, sumunod sa Animal Health code ng World Organization of Animal Health at quarantine at meat inspection standards ng Pilipinas ang 36 na meat establishments sa Germany; 48 sa Brazil; 3 sa Hungary at 12 sa Poland.
Tinitiyak ng exporter accreditation na ang Cattle, Swine, at Poultry meat na nagmumula sa ibang bansa ay ligtas sa pathogens at iba pang sakit na maaaring maging banta sa mga Pilipino at sa Multi-Billion-Peso Domestic Livestock at Poultry Industry.
Mapapaso ang accreditation na ipinagkaloob sa meat exporters sa Brazil, Hungary, Germany, at Poland sa February 2027. – sa panunulat ni Kat Gonzales