Itinanggi ni Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na mayroon silang tatlong taong plano upang patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sison, kathang-isip lamang nina Defense Secretary Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Junior at Interior and Local Government OIC Eduardo Año ang 3-year plan ng CPP-Central Committee.
Ang layunin anya ng tatlong taong plano ay palakasin ang ideyolohiya ng CPP.
Iginiit ni Sison na nais lamang ni Pangulong Duterte at kanyang mga military strategist na maglunsad ng mala-pasistang kudeta laban sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng Charter Change.
Nais din anya ng Duterte administration na gamitin ang CPP-NPA na sangkalan para sa pagpapatupad ng martial law sa buong bansa.
—-