Nagtatatag ng bagong programa ang immigration ng Canada na mag-aalok sa mga Ukrainian refugees ng temporary Canadian Residence Permit.
Sa pahayag ng bansa, ang mga taga-Ukraine at ang kanilang mga miyembro, anumang nasyonalidad ay maaaring manatili sa Canada bilang mga pansamantalang residente nang hanggang tatlong taon.
Nabatid na ang mga aplikante ay kinakailangang mag-apply online at magbigay ng kanilang biometric data sa anyo ng mga fingerprint at isang larawan.
Bukod pa rito ay maaari ding sabay na mag-aplay para sa isang work at study permit ang mga Ukrainian refugee.
Samantala, sa bilang ng United Nations nasa mahigit tatlong milyong katao na ang nag-evacuate sa Ukraine mula nang magsimula ang pagsalakay ng Russia noong Pebrero a-24. —sa panulat ni Mara Valle