Nabunyag na malapit sa dumpsite o tapunan ng basura ang tatlo sa mga resettlement sites na pinagdalhan sa mga survivors ng bagyong Yolanda sa hilagang bahagi ng Tacloban.
Dahil dito, nais ni Senador Risa Hontiveros , Chairperson ng Senate Committee on Health and Demography na magsagawa ng imbestigasyon upang alamin ang posibleng panganib sa kalusugan na kinakaharap ng mga residente.
Batay sa datos, tatlo sa apat na permanenteng resettlement sites para sa tinatayang 2,000 residente ang halos katabi lamang ng dumpsite ng Tacloban City.
Maliban sa isyu sa kalusugan, sinabi ni Hontiveros na limitado rin ang oportunidad para sa trabaho sa lugar na pinagdalhan sa mga survivors maliban pa kapos sa suplay ng tubig at maayos na sewerage system.
By Len Aguirre