Halos tatlumpu (30) na ang inaresto ng mga awtoridad bilang bahagi ng anti-gay crackdown sa Egypt simula noong Setyembre 23.
Inilunsad ang crackdown matapos iwagayway sa isang rock concert ang rainbow flag ng lesbian, gay, bisexual and transgender o LGBT community sa Cairo.
Bagaman hindi gaanong ipinagbabawal ang mga bakla sa Egypt na isang Islamic country, iligal ang pagkakaroon ng relasyon ang magkahalintulad na kasarian.
Isinailalim naman sa anal examinations ang mga inaresto upang mabatid kung nakipagtalik ang mga ito sa kanilang kapwa lalaki.
—-