Hindi na biro ang pag-akyat sa halos isanlibo (1,000) ang bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus/ Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV/AIDS sa bansa na naitala noong Marso.
Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesman Eric Tayag, mas nakaaalarma ang sitwasyon ng HIV/AIDS cases ngayon lalo’t tila hindi mapigilan ang pagsirit ng bilang ng nagkakasakit sa nakalipas na mahigit tatlong dekada.
Nangangahulugan anya ito na nasa tatlumpung (30) kaso ng nabanggit na sakit ang naitatala kada araw sa iba’t ibang panig ng bansa.
Aminado naman si Tayag na isang malaking hamon para sa gobyerno ang pagkakaloob ng libreng medical attention sa mga nagkakaroon ng HIV/ AIDS.
“1 out of 3 HIV cases ay nasa 15-24 years old, may mga menor de edad, nagpapaalala sa publiko ang panganib na andiyan patungkol sa pagkalat ng HIV. Sa katunayan nasa halos 20,000 na ang nabibigyan natin ng libreng gamot, tataas pa po yan, malaking gastusin yan para sa pamahalaan kapag hindi natin napababa ang pagdami ng kaso ng HIV sa bansa, ang dapat nating tutukan ay ang kaalaman ng mga kabataan.” Pahayag ni Tayag
By Drew Nacino | Balitang Todong Lakas (Interview)
30 bagong kaso ng HIV naitatala kada araw—DOH was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882