Aabot sa 30 bahay at halos 90 pamilya ang apektado sa naganap na sunog kaninang tanghali sa Baranggay 160 Raxabago sa Tondo, Manila.
Ayon kay Bureau of Fire Protection – NCR Director Chief Superintendent Leonard Bañago, umabot sa task force delta ang nasabing sunog na tumagal ng dalawa’t kalahating oras bago maideklarang under control na.
Napag-alamang nagsimula ang sunog sa bahay na may tatlong palapag na pag-aari ng isang Jimmy Gonzales.
Gawa ang nasabing bahay sa mga light material.
Sa ngayon, ay patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa sanhi ng sunog.
Sa kabila ng mga naitalang nasaktan dahil sa sunog, walang napaulat na namatay.
By Avee Devierte | Aya Yupangco (Patrol 5)