Sumugod sa Paranaque City Police ang 30 biktima umano ng investment scam ng isang kumpanya.
Kasunod na rin ito nang pagkakaaresto sa isang Mary Angeline Libanan na nagsangkot naman sa ilang kagawad at maging sa alkalde ng Paranaque.
Sinabi ni Libanan na nagtataka siya kung bakit siya inaresto gayung kumpleto ang kaniyang mga dokumento na naibabalik niya ang perang ini-invest ng mga tao sa aniya’y itinatag nilang dalawang trading companies.
Ayon naman sa isa sa mga sumugod na biktima ng investment scam, nadala sila sa matatamis na pahayag ni Libanan kaya’t nakapag-invest ng halos P30 million pesos.
Nadiskubre na lamang aniya nilang pawang peke ang mga inilatag sa kanilang vouchers ni Libanan at itinanggi ng mga kagawad ang pagkakasangkot sa nasabing investment scam.
By Judith Larino | Jopel Pelenio (Patrol 17)