Inaresto ng mga awtoridad ang 30 mga Chinese nationals makaraang mag-party sa isang KTV bar sa Makati City sa gitna ng umiiral na community quarantine.
Ayon sa mga awtoridad, hinuli nila ang mga dayuhan dahil sa paglabag sa social distancing.
Pero agad din naman daw pinauwi ang mga dayuhan matapos na kumpiskahin ang kani-kanilang mga ID at isyuhan ng tiket dahil sa paglabag.
Iginiit naman ng mga awtoridad sa publiko, na alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF), ipinagbabawal pa rin ang pagbubukas ng mga KTV bar sa lugar na mga nasa ilalim ng genral community quarantine (GCQ).