Nag-alok ang China ng visa free access sa Hainan Island para sa limampu’t walong (58) mga bansa kabilang ang Pilipinas.
Ayon sa Ministry of Public Security at State Immigration Administration ng China, layunin ng pagbibigay ng free visa ang buksan ang Hainan Island para sa mga dayuhang turista.
Gayunman, maaari lamang magtungo nang walang visa at manatili ng tatlumpung (30) araw sa Hainan Island kung nakapag-book sa mga travel agency na kinikilala ng China National Tourism Administration.
Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa mga bansang inaalok ng 30-day visa free access sa Hainan Island Russia, United Kingdom, France, Norway, Germany, Italy, Estados Unidos, Japan, Singapore at iba.
Magsisimula naman ang visa free travel sa Hainan Island sa Mayo 1.
—-