Isinusulong ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pagkakaroon ng 30-day sick leave ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa kada taon.
Ayon sa isinumiteng panukala ng grupo, bibigyan ng 30 araw na bayad na sick leave ang bawat guro na nagtuturo sa mga public schools.
Paliwanag naman ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, batay sa kanilang pag-aaral ay sapat na ang 30 araw.
Aniya, isa ito sa mga paraan para patuloy na mapangalagaan ang mga guro sa bansa.
Sa ngayon ay nananawagan pa rin ang isang grupo ng mga guro sa mga mambabatas para suportahan ang naturang panukala.