Aabot sa 30 electoral protests ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) na may kaugnayan sa May 9 elections.
Ayon kay John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng COMELEC, binubuo ang mga protesta para sa City, Municipal, Provincial at Regional positions.
Agad na ni-review ng Electoral Contest and Adjudication Department ang isinampang protesta na gugulong alinsunod sa mga panuntunan.
Paliwanag naman ni Laudiangco na hinihintay na lang nila ang report mula sa Komisyon para sa impormasyon kung may Party-list groups na mahaharap sa kaso.
Anuman anya ang resulta ng eleksyon, magpapatuloy ang pending cases dahil isinampa na ito bago pa ang botohan.