Nahilo at nahimatay ang mahigit tatlumpung (30) estudyante sa high school sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur sa gitna nang idinadaos na earthquake at fire drills.
Ayon kay Genevieve Aclanon, training staff ng Pagadian City Disaster Risk Reduction Management Office, ang mga nasabing estudyante ng St. Columban College-High School Department ay kaagad isinugod sa ospital at anim na lamang sa mga ito ang naka-confine pa.
Unang isinagawa ang earthquake drill na sinundan ng fire drill kung kailan nahimatay ang mga estudyante.
Iniimbestigahan na ang dahilan ng nasabing insidente.
—-