Maaari ng umapela sa Supreme Court ang 30 sa 107 ibinasurang party-list groups para sa kanilang kaso upang makalahok sa raffle ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw.
Ito’y matapos ang pag-amin ng COMELEC na ilalabas pa nito ang individual resolutions ng mahigit 70 party-lists na ibinasura ang akreditasyon.
Ilang party-list groups ang nag-alangang i-apela sa SC ang pagbasura ng COMELEC sa kanilang akreditasyon sa 2022 elections nang hindi inilalabas ang resolution kung saan nakasaad ang dahilan sa pagbasura sa kanilang akreditasyon.
Sa kabiguan ng COMELEC na ilabas ang karamihan sa mga resolusyon bago ang raffle, malabo nang maka-apela ang nasa pitumpung party-lists sa korte suprema.
Nauna nang itinakda ng COMELEC sa Disyembre a – diyes bilang petsa ng raffle na tutukoy sa ballot placement ng party-list groups sa nasabing halalan.