Pinagdadampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nasa 30 kabataan sa Tondo, Maynila.
Ito ay makaraang sumiklab ang isang riot sa kanto ng Solis St., at Dagupan Ext. Na sakop ng Brgy. 165 sa nabanggit na lugar.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad matapos makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen kung saan, narekober sa lugar ang dalawang patalim, isang icepick, balisong, dalawang pilbox at apat na firecrackers.
Sa ngayon, dinala na sa Department of Social Welfare and Development – Recreation Action Center (DSWD-RAC) ang 27 mga menor-de-edad habang dinala naman sa presinto ang 3 nasa hustong gulang para isailalim sa imbestigasyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero