Hanggang 30% kapasidad lamang ng mga sinehan ang maaaring payagan sakaling matuloy ang muling pabubukas nito.
Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, lalu’t maraming alkalde ang tumutol sa naturang pasiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).
Ayon kay Garcia, oras na matuloy pa rin ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa metro manila, bubuo sila ng guidelines upang matiyak na hindi ito magiging sanhi ng lalung pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nakapaloob aniya sa guidelines ang posibilidad na 20% hanggang 30% kapasidad lamang ang pahintulutang mabuksan sa halip na limampung porsyento.
Magugunitang, ipinagpaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa marso ang pagbabalik operasyon sana ng mga sinehan na unang itinakda noong Pebrero 15 dahil sa kawalan ng guidelines para rito.