Nasa 30 indibidwal ang nailikas na sa Eastern Visayas matapos salantain ng Bagyong Lannie ang kanilang kabahayan.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may mga napaulat ng insidente ng landslide sa Eastern Visayas habang limang insidente naman ng pagbaha.
Tatlong kalsada rin umano ang hindi pa maaaring madaanan sa Eastern Visayas at Western Visayas.
Nagsuspindi na rin umano ng operasyon ang 12 pantalan dahil sa banta ng Bagyong Lannie.
Aabot sa 201 pasahero, 130 rolling cargoes at tatlong vessels ang na-stranded sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Eastern Visayas.