Patay ang 30 katao at 40 ang sugatan sa pumalyang air raid na isinagawa ng Afghan Security Forces sa Eastern Afghanistan.
Target ng nasabing pag-atake ang hide-out na ginagamit ng Islamic State of Iraq and the Levant Group Fighters subalit tinamaan ng mga ito ang mga magsasakang malapit sa Wazir Tangi area ng Khogyani District.
Nabatid na katuwang ng Afghan Security Forces ang tropa ng militar mula sa Amerika na tikom pa ang bibig hinggil sa insidente.
Sinabi ni Sohrab Qaderi, provincial council member sa Eastern Nangarhar Province na napatay sa drone strike ang 30 manggagawa ng pine nut field at 40 ang malubhang nasugatan.