Patay ang tatlumpu (30) katao at sugatan ang halos 150 iba pa sa pag-atake ng Boko Haram sa isang palengke at infirmary sa northern Cameroon.
Ang mga naturang pag-atake ay patunay lamang nang pagpapalawig ng Islamist extremist group ng puwersa nito at pasukin na ang buong Africa.
Tinutugis na ng Cameroon military officials ang mga naturang Islamist extremist na anila’y takot na humarap sa kanila dahil matapos ang pag-atake ay kaagad at mabilis na tatakbo pabalik ng Nigeria.
Mahigpit pa rin ang babala ng Cameroon officials laban sa Boko Haram na uubra pa ring magsagawa ng pag-atake hindi lamang sa Cameroon at Nigeria kundi maging sa Chad, Niger at Benin.
By Judith Larino