Halos tatlumpu (30) na ang patay makaraang malunod noong Semana Santa.
Ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, karamihan sa mga nasawi ay bakasyonista o naka-inom ng alak na nalunod sa mga ilog, beach at swimming pool sa Pangasinan, Isabela, Batangas, Quezon at Cavite simula pa noong Biyernes Santo.
Kinilala ang ilan sa mga biktima na sina Darwin Castrence, 31-anyos na inanod tondol sa white sand beach sa bayan ng Anda, Pangasinan; Rachel Domingo, 12-anyos; Rhea Labog at Carla Jane Maramag ng Cauayan City, Isabela na pawang naligo sa Cagayan river.
Nalunod naman matapos tumaob ang bangka na sinakyan ni Junex Dilao, 12- anyos sa San Francisco, Quezon habang apat na iba pa ang nawawala.
Patungo sanang Burias Island, Masbate ang bangka nang hampasin ng naglalakihang alon.
By Drew Nacino
30 katao patay sa pagkalunod nitong Semana Santa was last modified: April 17th, 2017 by DWIZ 882