Pansamantalang isinara ang Philippine Red Cross logistics multi-purpose center Mandaluyong swab and saliva sample collection center makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang mahigit 30 kawani nito.
Ayon sa PRC, nagsagawa ng disinfection sa nasabing pasilidad kahapon at tinugunan ang pagtaas ng kaso sa sample collection units and molecular laboratories.
Karamihan sa mga kawaning nagpositibo ay sample collectors na lantad araw-araw sa virus na dala ng kanilang mga kliyente.
Inabisuhan naman ng red cross ang mga naka-book sa Mandaluyong na magtungo sa ibang swab at saliva collection centers sa port area sa Maynila o red cross chapter offices.
Kailangan lamang ipakita ang proof of payment o magtungo sa PLMC-Mandaluyong ngayong araw mula alas-8 ng umaga.—sa panulat ni Drew Nacino