Tatlongpung porsyento (30%) na ng lungsod ng Marawi ang nalinis sa mga pampasabog.
Ayon kay Major General Arnold Rafael Depakakibo, ang chief engineer ng Armed Forces of the Philippines (AF), na sa kabila ng progreso ng kanilang operasyon sa naturang lungsod ay patuloy pa rin ang rehabilitasyon ditto.
Batay sa datos ng AFP, nasa kabuuang dalawang libo walong daan at limangpo’t tatlo (1,853) na iba’t ibang klase mga hindi nagamit na pampasabog at apatnaraan at labing limang (415) improvised explosive devices (IED) ang narekober hanggang nitong Disyembre 15.
Naayos na din ng Joint Engineering Task Group o JETG ang nasa dalawangpung (20) kilometrong primary at secondary roads, tatlong (3) mga pangunahing tulay, eskwelahan at tatlong bahay sambahan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang limangdaang (500) military engineers ang naipakalat sa Marawi City para tumulong sa recovery, reconstruction at rehabilitation operations.