Tiniyak ng embahada ng India na makukuha ng Pilipinas ang 30 milyong doses ng bakunang Novavax sa ikalawa at ikatlong bahagi ng taon.
Ayon kay Indian Ambassador Shambu Kumaran, sa oras na malagdaan ang supply agreement nito ay maaari nang mai-deliver ang mga bakuna sa bansa.
Sa ngayon ay nasa India pa rin si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. para lagdaan ang supply agreement ng Novavax mula sa China.
Bukod dito, pinag-uusapan ng mga opisyal ng India at ni Sec. Galvez kung maitataas pa ang bilang ng mga bakuna maaaring makuha ng Pilipinas.— sa panulat ni Rashid Locsin