Iniimbestigahan na Indian Health Ministry ang insidente sa kanilang bansa kung saan isang health official ang nagturok ng COVID-19 vaccines sa tatlumpung mag-aaral gamit lamang ang iisang hiringgilya.
Ayon sa health ministry, naganap ito sa isang paaralan sa Sagar District kung saan isang doktor na nagngangalang Jitendra Rai ang nagbakuna sa mga kabataan.
Mismong ang mga magulang ng mga bata ang nag-report ng nangyari.
Pero depensa sa kanila ni Rai, sinunod lamang nito ang utos ng health department.
Nang puntahan ng state officials ang paaralan, hindi na makita ang doktor at nakapatay na rin ang cellphone nito.
Nilinaw naman ng Indian Government na mahigpit nilang ipinatutupad ang polisiyang “One Needle, One Syringe, Only One Time” sa kanilang bansa.