Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang 30 vaccination sites sa loob ng military camps coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination rollout.
Ito ang naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang 30 lugar ng warehouse ay bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakuna sa bansa.
Aniya, nasa 46 na lugar ang inirerekomenda nila sa DOH subalit 30 pa lamang ang naaaprubahan.
Dagdag ni Arevalo, mas paiigtingin ng DOH ang seguridad ng mga bakuna at inoculation teams gayundin ang mga medical health at health workers para sa transportasyon ng COVID-19 vaccine.
Sinabi rin ni Arevalo na handang-handa na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas para sa gagawing pagsuporta sa vaccination plan ng pamahalaan.
Magugunitang sinabi ni vaccination czar Carlito Galvez, ngayong buwan ng Pebrero ang pagsisimula ng pamamahagi ng bakuna sa bansa.