Papayagan ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang hanggang sa 30% kapasidad sa mga relihiyosong pagtitipon sa kanilang lungsod.
Ito’y sang-ayon sa kautusang inilabas ng pamahalaang lungsod na pinapayagan din ang pagtitipon kapag ito’y awtorisado o ‘yung mga pagtitipon para sa health services, government services maging ang mga humanitarian activities.
Sa kabila nito, binigyang diin ng Pasay City LGU na saklaw ang kanilang lungsod sa umiiral na uniformed curfew hours mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng umaga.
Exempted sa naturang curfew hours ang mga indibidwal na papauwi na galing trabaho o papunta sa kanilang mga pinagtatrabahuan, mga may emergencies, maging ang mga authorized persons outside residence (APOR).
Sa huli, paalala ng Pasay LGU sa mga nasasakupan nito na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan lalo na kung hindi naman essential o kinakailangan ang kanilang paglabas.