Aabot sa 30% ng mga backyard hog raiser ang titigil na sa kanilang operasyon dahil sa luging dala ng muling pagtaas ng imported pork products.
Ayon kay Pork Producers Federation of the Philippines Chairman Nicanor Briones, bumagsak na sa P150 kada kilo ang farm-gate price ng local pork products dahil sa mga imported na karneng baboy.
Ang hakbang na taasan ang importasyon at ibaba ang taripa ay bunsod ng epekto ng African Swine Fever sa bansa upang mapanatili ang suplay ng karne sa merkado.
Bumabaha anya ng napakamura at walang taripang imported meat kaya’t bumagsak ang kabuhayan ng lokal na magbababoy sa buong bansa.
Nito lamang Abril nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 134 para sa tarrif adjustment ng imported pork products.—sa panulat ni Drew Nacino