Nagpositibo ang 30 Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong.
Ayon kay Philippine Consulate General Raly Tejada, na ang 30 infected OFWs ay nabibilang sa mild at asymptomatic cases.
Gayunpaman, sinabi ni Tejada, na ang ilan sa mga may sakit na pilipino ay nahihirapang ma-admit sa mga ospital dahil puno na ang mga pasilidad.
Dagdag pa ng Consulate General, na ang ibang OFW ay pinagbawalan ng kanilang mga amo na bumalik sa trabaho habang ang ilan ay tinanggal na.
Samantala, sinabi ni Tejada, na ang mga apektadong OFW ay dinala sa isang ligtas na lugar ngunit hindi sa mismong konsulado upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Gayunpaman, humigit-kumulang 4,000 OFW na patungo sa Hong Kong ang stranded sa Pilipinas dahil sa patuloy na deployment ban, at ang kasalukuyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Chinese Special Administrative Region. —sa panulat ni Kim Gomez