30 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa HongKong ang tinamaan ng COVID-19 sa gitna ng tumataas ng kaso ng sakit sa nasabing teritoryo.
Ayon kay Philippine Consul General Raly Tejada, bagaman mild o asymtomatic cases lamang, hindi na ma-admit ang mga ito sa mga ospital dahil punuan na rin ang mga pasilidad doon.
Aniya, ilan sa mga ito ay pinaalis at tinanggal sa trabaho at may natanggap rin aniya silang mga ulat na pinatutulog ang mga OFW sa labas ng bahay.
Tiniyak naman ni tejada na hahanapin nila ang mga employer at isasama ang mga ito sa blacklist at kakasuhan ang mga ito.