Ibinabala ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa 30 pang probinsya ang maaaring makaranas ng matinding tagtuyot ngayong buwan.
Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa inaasahang lalo pang titindi ang epekto ng El Niño sa mga susunod na araw.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Occidental Mindoro, Palawan, Negros Oriental, Bohol, Suquijor at 22 pang lugar sa Mindanao.
Ipinabatid ng PAGASA na dahil sa katindihan ng init, asahan na rin ang kakulangan sa suplay ng tubig, paglaganap ng mga peste at sakit.
Sinasabing hindi lamang ang tao ang nakakaranas ng stress kundi maging ang mga halaman at hayop.
By Ralph Obina