Halos 30 katao ang patay habang 73 ang sugatan matapos ang pagsabog sa mosque ng Kandahar, Afghanistan.
Base sa mga nakasaksi mayroong tatlong suicide bomber ang pumasok sa mosque.
Isa sa mga ito ay ang pagsabog sa pintuan ng mosque habang ang dalawa ay sa loob mismo ng nasabing mosque.
Dahil dito, maraming mananampalataya ang nasugatan matapos na agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital.
Tiniyak naman ni Taliban Spokesperson Zabiullah Mujahid na pananagutin ang nasa likod ng insidente.