Patay ang 30 katao matapos atakihin ng armadong lalaki sa Sokoto State, Northwest Nigeria.
Ayon sa Aminu Tambuwal, Sokoto State Governor, daan-daang indibidwal din ang pinatay ngayon lamang taon habang libu-libo pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Nabatid na target ng mga gunmen ang mga kababaihan at kabataan kung saan, una nang kinidnapped ang isanlibot apat na raang school children sa loob ng nakalipas na taon.
Sa ngayon, patuloy na kinkontrol ng mga Nigerian army ang tumataas na karahasan sa kanilang bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero