Halos tatlumpu (30) ang patay sa pagguho ng minahan ng ginto sa Badakhshan Province, Afghanistan.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga nasawi ay mga bata habang labintatlong (13) minero kabilang ang pitong (7) sugatan ang na-rescue.
Inaalam na kung ano ang sanhi ng pagguho ng minahan na pinaniniwalaang iligal na nag-o-operate.
Sa nakalipas na ilang dekada ay naging laganap ang illegal mining sa Afghanistan na isa sa pangunahing pinagkakakitaan ng teroristang grupong Taliban.
—-