Nagtalaga ang Commission on Elections (COMELEC) ng 30 Philippine posts sa ibayong dagat para sa gananaping absentee voting simula bukas, Abril 9 hanggang sa mismong araw ng halalan.
Ayon sa COMELEC, matatagpuan ito sa Agana Chicago, Honolulu, Los Angeles, New York, Ottawa, San Francisco, Toronto, Vancouver, Washington, London at Madrid.
Mayroon ding overseas posts sa Milan, Rome, Hong Kong, Kuala Lumpur, Osaka, Seoul, Singapore, Tokyo, Abu Dhabi, Beirut, Doha, Dubai, Jeddah, Kuwait, Manama, al Khobar, Tel Aviv at Riyadh.
Kasabay nito, ipinabatid ng COMELEC na manual o manu-mano ang botohang magaganap sa Lisbon, Bangkok, Brunei, Chongqing, Dhaka, Dili, Guangzhou, Islamabad, Jakarta, Macau at sa iba pang kabisera ng mga ibang bansa na makikita sa website ng poll body.
Samantala, ang 26 na overseas posts ay magpapatupad ng postal manual voting system kung saan i-e-email na lamang direkta sa mga botante ang balota at kapag napunan na o nakaboto na ay i-eemail uli ito ng botante pabalik sa overseas posts.
By Meann Tanbio | Allan Francisco (Patrol 25)