Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong mga Pilipino mula sa Haiti ang kumuha ng repatriation assistant.
Ayon sa ahensya, inasistehan ng Embahada ng Pilipinas sa Washigton D.C. sa Amerika ang 30 Pilipino.
Anila, nagpetisyon ang mga Pilipino sa Haiti ng repatriation dahil sa hindi magandang lagay ng ekonomiya at seguridad sa naturang bansa.
Samantala, 9 mula sa kabuuang bilang ang mga menor de edad na ipagpapatuloy ang kanilang pag aaral sa Pilipinas.