Patay ang tatlumpung aso matapos isakay ito sa isang van na wala umanong tamang bentilasyon.
Ayon sa PCCI o Philippine Canine Club , miyembro nila ang nagsakay ng mga aso na dadalhin sana sa isang dog show sa Marikina noong December 2.
Ngunit ng buksan ang van ay tumambad ang wala ng mga buhay na aso ng dahil sa dehydration at heat stroke.
Bilang aksyon, agad namang sinuspinde ng PCCI ang kanilang miyembro.
Patuloy din ang imbestigasyon ng kanilang board of directors sa naturang insidente.
Samantala, nangangalap na rin ng mga ebidensya at testigo ang PAWS o Philippine Animal Welfare Society para sa plano nilang pagsasampa ng kaso sa may ari ng mga aso dahil ito umano ay paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act.