Patay ang tatlumpung (30) sibilyan dahil sa pambobomba ng ISIS nang magtangkang tumakas mula sa Al-Bab City sa northern Syria.
Sinasabing wala nang halos madaanan ang mga tao palabas ng lungsod dahil hinaharang umano ng mga terorista.
Ibinunyag naman ni Turkish Defense Minister Fikri Isik na umakyat na sa 17 ang bilang ng mga sundalo nila na napatay ng ISIS sa Syria.
Noong Disyembre 23 ay 3 Turkish soldiers ang sinasabing dinukot ng mga militante at hindi pa rin matukoy ang kalagayan ng mga ito.
By Jelbert Perdez