Aabot sa 30 station commanders ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sumailalim sa drug test kahapon bilang bahagi ng internal cleansing ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa NCRPO, nagsagawa sila ng hakbang bilang tugon sa panawagan at kampaniya ng DILG matapos masangkot sa iligal na droga ang mga tauhan ng PNP.
Layunin ng ahensya na mapatunayan na walang kinalaman sa illegal drug trade ang NCRPO.
Iginiit ng ahensya na 100% silang kumpiyansa na malinis ang kanilang hanay laban sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga sa bansa.