Higit tatlumpung (30) sundalo ang sugatan sa panibagong bakbakan ng mga sundalo at ASG o Abu Sayyaf Group sa Talipao, Sulu kahapon.
Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Colonel Cirilito Sobejana, naka-engkwento ng mga miyembro ng 41st Infantry Battalion ang tinatayang isang daan at limampung (150) mga rebelde sa pangunguna ni ASG Sub Leader Hatib Hajan Sawadjaan sa Barangay Lao.
Tinukoy ni Sobejana na mayroon ding nasugatan sa hanay ng mga rebelde.
By Rianne Briones