Sa kalaboso ang bagsak ng isang 30 gulang na lalaki matapos umanong mahulihan ng 640,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu habang papasok sa lungsod ng Davao.
Ayon sa pulisya, si alyas “ding” ay natimbog ng Task Force Davao sa inilatag nitong checkpoint sa Barangay Lasang Bunawan.
Maliban sa drug paraphernalia, nakuha rin ang tinatayang 40 gramo ng umano’y shabu mula sa lalaki na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.