Pumayag na ang 300 sa mahigit isang libong (1,000) bilanggong Palestinians, na tapusin na ang kanilang dalawang (2) linggong hunger strike.
Ayon kay Israeli Internal Security Minister Gilad Erdan, ito ay kahit hindi pa nila nakukuha ang kanilang mga hinihiling mula sa Israel.
Ang hunger strike kung saan asin at tubig lamang ang kinokonsumo ng mga bilanggo, ay nagsimula noong Abril 17.
Hinihiling ng mga Palestino ang pagkakaroon ng mas mabuting medical services sa kulungan at ang payagan silang makagamit ng telepono.