Tatlong daang (300) guests ang inaasahan sa inagurasyon ni Vice President-elect Leni Robredo sa June 30.
Gagawin ang inagurasyon ni Robredo, alas-9:00 ng umaga sa Quezon City Reception House kung saan din ito mag-oopisina.
Sinabi ni Boyet Dy, Chief of Staff ni Robredo na dahil limitado lamang ang mga panauhin sa inagurasyon ng bise president, isang thanksgiving party ang isasagawa para sa mga supporter nito sa Quezon City Memorial Circle sa hapon ng June 30.
By Judith Larino
Photo Credit: lenirobredo.com