Umabot sa halos 300 ektaryang sakahan ang apektado ng El Niño sa buong bansa mula noong Pebrero hanggang Marso, taong kasalukuyan.
Ayon sa Department of Agriculture, dahil dito’y nagresulta ito sa pagkalugi ng halos 400,000 metriko toneladang agricultural production na nagkakahalaga ng P5.53 bilyong piso.
Sinasabing sa loob lamang ng 3 buwan mula noong Enero ay pumalo na sa 2.1 bilyong piso ang pinsala sa sektor ng agrikultura.
Mas mataas ito sa kabuuang naitala noong 2015 na 3.43 bilyong piso na pinsalang dulot ng El Niño.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mula noong nakaraang taon, 9 na probinsya na, 12 lungsod, 17 munisipalidad, at 2 barangay ang isinailalim sa state of calamity dahil pa rin sa matinding tagtuyot.
By Jelbert Perdez