Bibigyan ng trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 300 empleyado ng nasunog na Star City.
Ipinabatid ng DOLE ang inilaang halos P5M pondo para sa nasabing programa.
Ang naturang hakbangin ng DOLE ay nakapaloob sa tupad o tulong pang hanapbuhay sa ating dis-advantaged/displaced workers program.
Ayon sa DOLE sasailalim muna sa profiling ang mga nasabing empleyado ng Star City.