Ipapasara ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang 300 – kabilang ang malalaking hotel sa Boracay.
Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang naturang isla sa loob ng anim na buwan upang maresolba ang sewage problem na nagreresulta sa polusyon ng tubig sa Boracay.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, bago ipasara ang mga establisyemento ay i-isyuhan muna nila ng notice of violation kung saan una nila itong ibibigay sa mga malalaking hotel at establisyemento.
Sinabi pa ni Cimatu na 40% lamang ito ng kabuuang establisyimento sa Boracay na ipapasara at isusunod pa ang iba hanggang sa tuluyan nang maisayos at maibalik ang kalinisan sa isla.
Samantala, inatasan na rin ng kalihim ang mga DENR Undersecretaries na makipag-pulong sa Ayala Group na siyang kumpaniyang may hawak ng concessionaire ng wastewater system sa Boracay.
Posted by: Robert Eugenio