Aabot sa 300 kawani ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila ang lumagda para makatanggap ng Sinovac vaccine.
Ayon kay Dr. Diane Cajipe, spokesperson ng ospital, sinalang mabuti ang mga napiling mababakunahan kung saan karamihan sa mga ito ay mga manggagawang higit na nalalantad sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) o mga humahawak ng pasyenteng positibo sa nakahahawang sakit.
Mahigpit namang imo-monitor ng ilang oras sa post vaccination area ang mga manggagawang makakatanggap ng Coronavac shots.
Batay sa survey noong nakaraang buwan, aabot sa 1,500 empleyado ng naturang ospital ang nagsabing handa silang magpabakuna kontra COVID-19.