Nangangailangan ang Department of Science and Technology (DOST) ng partisipasyon ng aabot sa 300 indibidwal sa isasagawang clinical trials para sa paggamit ng melatonin.
Sinasabing ang melatonin na ito ay posibleng maging supplementary treatment para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Karaniwang iniinom ng mga taong hirap sa pagtulog ang melatonin.
Nabatid na naglaan na ng P9.8-milyon ang DOST para sa nasabing clinical trial matapos aprubahan ang pagsalang ng melatonin ng Philippine Council for Health Research and Development.