Target ng Department of Labor and Employment o DOLE na maging regular employees sa taong ito ang may 300,000 contractual at end of contract employees.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, gagawin nila ito hanggang sa maubos at maging regular ang lahat ng contractual at end of contract employees sa bansa.
Noong nakaraang taon aniya ay umabot sa 161,000 ang mga contractual employees na naging regular sa trabaho.
“Yung pangako niya na wala nang endo, wala nang contractualization ay talagang ginagawan ng paraan.” Ani Bello
‘Peace talks’
Samantala, hindi pa nawawalan ng pag-asa si Labor Secretary at Peace Negotiator Silvestre Bello III na matutuloy rin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Bello, naghihintay lamang siya ng pagkakataong maipakita sa Pangulong Rodrigo Duterte na sinsero na ang kampo ni Jose Maria Sison sa kanilang pakikipagkasundo sa gobyerno.
Kumbinsido si Bello na ito rin ang naisin ng Pangulo dahil kabilang sa kanyang pangarap ang gawing pamana sa mga Pilipino ang pagkamit ng kapayapaan.
“Hinihintay namin ang pagkakataon na maipakita sa ating Pangulo na talagang sinsero sila sa pakikipag-usap sa atin tungkol sa kapayapaan, ako naman hindi ako nag-gi-give up ever since, pangako ng Presidente na ang kanyang leadership ay magkaroon ng lasting peace kaya hindi ako naniniwalang inabandona ng Pangulo yan.” Pahayag ni Bello
Ratsada Balita (Interview)