Tatlondaang (300) mga lokal at imported na brand ng suka ang sinuri ng Department of Health para malaman kung gumagamit ang mga ito ng ipinagbabawal na sangkap.
Ginawa ang testing ng mga suka matapos na matuklasan ng Philippine Nuclear Research Institute na 80% ng mga sukang ibinibenta sa bansa ay hindi nagmula sa synthetic acetic acid.
Ayon kay Health undersecretary Rolando Domingo, posibleng mailabas na ang resulta ng pagsusuri sa susunod na linggo.
Hindi naman tinukoy ni Domingo ang mga brand ng suka na kanilang isinalang sa testing.
Una nang ibinabala ng DOH na mayroong panganib na dulot sa kalusugan ang pagkonsumo ng synthetic na kemikal at ang paggamit nito ay hindi pinapayagan sa bansa.