Aprubado na ng World Bank ang $300-M na inuutang ng Pilipinas para pondohan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Katumbas ito ng mahigit sa p15-B na inaasahang magbebenepisyo sa mahigit 4-M pamilyang Pilipino, kabilang ang halos 9-M bata.
Popondohan ng loan mula sa World Bank ang cash transfer sa loob ng dalawang taon.
Nakapaloob rin dito ang programa para matugunan ang malnutrisyon sa mga batang mahihirap.
Una rito, pinagtibay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang 4Ps sa pagsasabatas sa Republic Act No. 11310.
Bagamat panahon pa ito ni dating Pangulong Gloria Arroyo unang ipinatupad, walang namang batas na nagpapatibay dito kayat pwede itong ihinto anumang oras na naisin ng pamahalaan.